graceycute

the beauty in me

Gracey’s 3: Konting tanong para sa Sining..

Ang pelikulang “tuhog” ay nagbigay sa akin ng isang magandang halimbawa kung paano nagagawa ng tao na “gahasain” at “abusohin” ang mga natural na bagay para sa ngalan daw ng “sining”. Isang tanong tuloy ay pumasok sa aking isipan, “Ano nga ba ang basehan, para ang isang bagay ay masabing likhang sining” at paano ito masasabing “distortion”?

pilipino_video_-_tuhog_small.jpg

Isang mahalagang kaalaman ay naibahagi sa akin ni Aristotle sa kanyang obra na “On Poetics”. Ayon sa kanya, ” the difference in the imitation of these arts come under three heads, their means, their objects, and their manner..” Sa bawat pagsusuri ko tuloy sa mga bagay na ginagawa ng mga tao sa aking paligid, hinahanap ko ang tatlong aspetong ito. Sa ngayon, mas pinapalawak ko muna ang aking kaalaman upang maberipika ko ang aking pagkakaintindi sa mga konseptong ito. Balik sa pelikulang “tuhog”, nakakalungkot na hindi ata naging patas, at maktotohanan ang mga konseptong ginamit, dahil ito’y naging pawang likha ng sobrang paglalagay ng “arte” sa kung nao ang nangyari sa totoong buhay. Sa huling bahagi pa ng paelikula, nabatid naming mga manonood kung gaano ka grabe ang epekto ng maling pagpapahayag-biswal sa pag-iisip ng mga taong tumatanggap ng mga impormasyon. MAs lalong nagiging kapanipaniwala ang isang kasinungaling maganda lamang ang pagkakapresenta.

PArang komedya, ayon kay Aristotle. ” It has been observed, as for Comedy, that an imitation of men is worse than the average; worse, however not as regars any and every sort of fault, but only as regards one particular kind- the RIdiculous which is a specie of the Ugly”. NAbatid naman namin, bilang mga third degree na tagapagtanggap ng mensahe, ang kapangitan ng kopya ng kopya ng kopyang nanggaling pa sa malayong “main source” ng isang istorya. NApakahalaga na dapat ko pang mas lalaong intindihin ang mga bagay na ito upang mas lalo akong makapagpaliwanag ng mabuti tungkol sa mga bagay na maituturing kong pangit dahil sa mga aspetong nabanggit ko sa blog na ito.

Advertisements

January 11, 2007 - Posted by | Uncategorized

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: